Tuesday, July 22, 2014
flight cancellation
Kahapon, na-cancel yung flight from Manila to Virac. May 3 counters allotted for the passengers to reschedule their flight. Nasa first counter ako, and the 4th in line. The first in line was the wife of our ex-governor. She was talking to the agent when suddenly, her acquaintance/friend who is a prominent business woman came and asked her about the process. So she asked for her friend's boarding passes which turned out to be a thick pile of boarding passes of I don't know who else (more than 3!). Binigay nya sa agent at ipa-process narin daw. In short, pinasabay/pinasingit nya sa pila si friend.
Lahat kaming nasa likod ng linya, walang magawa kahit inis na inis na. Ano gagawin namin? Sabihan na bawal sumingit? Eh baka makilala pa kami, ano pang gawin sa amin. I was thinking, one way or another, we/our families owe them some sort of "utang na loob", legal man o hindi, totoo man o hindi.
Wag nilang sabihin porque't senior citizen eh pwede na sumingit. Ok lang sana kung lahat ng senior citizens pinauna nila. Meron nga naka wheelchair na, pumipila pa rin!
Nagkakaubusan na ng seats dahil cancelled din ung Sunday flight, tapos may sisingit pa? Siguro sadyang ganyan talaga ang mga Pilipino - hindi susunod sa batas para sa lahat nalang ng Ka-something (KKK).
Ika-4 ako sa pila pero feeling ko ika-20 ako. Siguro nga ganyan talaga ang kapalaran kapag may balat sa puwet.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment